Sunday, January 25, 2009

"Mingaw ko sa Mindanao" (I miss Mindanao)


Halos araw-araw makikita ko sa balita, front page sa Inquirer na Giyera na naman sa Mindanao. Mukha ng mga batang umiiyak, mga rebelde o sundalong namamatay, o kung ano pang katakot-takot na larawan para ipakita ang kaguluhan sa Mindanao. Kaya sa mga tao sa Maynila pag narinig nila ang salitang Mindanao akala nila totoo lahat ang nasa tv, dyaryo at isip nila parating magulo.

Nalibot ko na halos ang Mindanao mula sa Surigao, Butuan, Cagayan, Sultan Kudarat, General Santos, Baganga, Manay at Cotabato. Tama magulo ngayon sa Mindanao pero kung balikan ko uli ang ala-ala ng Mindanao hindi siya magulo kundi isang paraiso.

Sabi ng Papa ko dati kaya daw tinawag na Lupang Pangako ang Mindanao dahil sa yaman ng kalikasan na kahit sino ay pwedeng mamuhay dito. Kaya nga sa kasaysayan ang mga taong galing sa ibang lugar na lumipat sa Mindanao ay ayaw ng bumalik sa pinanggalingan nila dahil alam nila na masagana ang buhay sa Mindanao. Tamad lang yata ang di mabubuhay sa Mindanao.

Mayaman ang Lupa, walang bagyo at marami pang bagay ang hindi nakikita sa Mindanao dahil ang nakikita lang atin ay Gulo. Ang Naririnig lang natin ay Giyera. Ang nararamdaman lang natin ay takot kaya pag naririnig natin ang salitang Mindanao wala tayong magandang larawang nabubuo sa isipan. Pero sa aking gunita ang Ganda ng aliwagwag falls (150 steps), baybayin ng Saranggani, mga vanishing islands at white sand beaches, it's a paradise!

Pero sana pag-isipan din natin bakit magulo ang Mindanao. Sino ang dahilan ng gulo? Ang mga nanirahan ba dito? O sadyang may gumagawa ng gulo? Di ba't dahil maraming gustong magmamay-ari nito? Di lang Muslim, di lang Pilipino kundi mga dayuhan.

Hindi matatapos ang giyera kasi maraming mga tao na handang ipaglaban ang lupang tinubuan nila.

Sana irespeto na lamang ito.

Ang Mindanao ay para sa taga-mindanao sila ay Pilipino rin kasi ang Mindanao ay nasa Pilipinas.

Kahit ano pang gulo ang ilarawan sa isipan ko. Alam ko na parating "mingaw ko pirmi sa Mindanao" sa totoong paraiso.

No comments:

Post a Comment